![videokeman mp3](http://i39.photobucket.com/albums/e159/normanski/players/ewualizer.gif)
Batang Bata Ka Pa – Apo Hiking Society Music Code
bakit ngayong panahong ito ay marami ng mga batang ina o maagang magka pamilya? ganito na ba ang makabagong panahon?
"kaya naba ng batang babae ang magbuntis ng maaga?"
Sa aking palagay kaya ng Babae ang magbuntis ng maaga. Ngunit marami silang haharapin na problema. Isa na rito ang sakit sa katawan dahil sa murang edad at magagawa na nila ang mabibigat na trabaho. Isa pa dito ay ang kakulangan sa pera dahil nga dumidepande pa sila sa kanilang mga magulang. At ang pagaalaga ng bata, wala pa silang sapat na kaalaman at kakayahan para dito. Mahihirapan din silang baguhin ang kanilang Pag-uugali lalo na't kung nagaaral pa sila. Hindi nila kayang pagsabay-sabayin ang lahat ng kanilang responsibilidad..
Oh ano? nanaisin paba ng kabataan ang magkaroon ng maagang pamilya sa kabila ng mga negatibong epekto nito. Ngayon nating sabihin na hindi kaya ng batang babae ang magbuntis ng maaga sa mga nagbabalak dyan, eh magisip muna kayo, tingnan nyo muna ang magiging epekto at kahihinatnan ng mga gagawin ninyo.