Sa panahon ngayon, dapat na sigurong ituro na ang sex education sa paaralan at isama na ito sa kurikulom ng pagaaral. Dahil magiging gabay ito ng mga kabataan sa kanilang paglaki.At magsisilbi itong paraan upang ang mga kabataan ngayon ay maging maingat at responsable sa kanilang sarili at buhay.
At sa pagtuturo na din ng sex education maaari naring mabawasan ang mga kabataang maagang magsipagbuntis at asawa.Karamihan kasi ngayon ay mga mapupusok at hindi nila iniicip ang mga bagay bagay ng kanilang ginagawa kung ito bay tama o hindi,makabubuti o makasasama. Dahil na rin siguro sa kakulangan ng kaalaman at tamang pag gabay ng kanikanilang mga magulang.
Karamihan sa mga batang nagkakaganito ay yung mga malalayo sa kanilang mga magulang at may mga hindi pag kakaunawaan sa kanilang tahanan.
kaya mas mabuti ng isama na ang sex education sa pagtuturo sa mga paaralan sa darating na pasukan para maiwasan na ang maagang pagkakaroon ng anak,hindi rin naman natuturuan at nagagabayan ng mga magulang ang kanikanilang mga anak at mas mahaba naman ang oras at panahon ng mga bata sa loob ng paaralan kesa sa kanilang tahanan,kaya go ituro nayan......
No comments:
Post a Comment