Friday, August 13, 2010

Tamang oras sa pag-aasawa

sKailan ba masasabing ito na ang tamang panahon ng pagbuo ng pamilya at pagkakaroon ng anak?
Bakit kaya sa panahon natin ngayon napakarami na ng kabataang nabubuntis? Kabataang magulang na? Halos hindi pa nga tumutungtong sa gulang na 18 eh my anak na. Sa hirap ng buhay ngayon sa nakikita ko ay hirap na hirap ang mga kabataang magulang na buhayin ang kanilang mga anak pwera a lamang kung sila ay mayaman. Halos hindi pa nga sila tapos sa pag-aaral. Mga atat kasi kung magkaanak eh. May tama namang panahon para doon.
Para sa akin, masasabing ito na ang oras ng pagbuo ng pamilya kapag kaya na ng dalawang indibidwal na magpakain at bumuhay ng kanilang supling at ito lamang ay mangyayari kung ang mag-asawa ay nakatapos na ng pag-aaral para sila ay magkaroon ng permanenteng trabaho. Maging praktikal tayo ngayon dahil ang unang kraytirya sa pagpili ng asawa ay ang kaya kang buhayin o ang taong may pera.
Sa ngayon, pera ang nasa isip ng tao, hindi na mahalaga kung mahal mo ito basta mayroon siyang pera. Ngunit para sa akin dapat din na na ang aasawahin natin ay yung taong mahal din natin. Dahil hindi naman lahat ng tao ay silaw sa pera, dahil hindi ka rin naman sasaya habang-buhay kung puro pera ang nasa isip.
Maging aral na lamang sa tulad kong kabataan na huwag magpadala sa tukso, mag-aral na muna dahil may tama rin naming oras para sa pag-aasawa.

No comments:

Post a Comment