Ang isang pag-aaasawa ay habambuhay na pakikipagpareha ng isang babae at isang lalaki, dalawang magkaibang tao na nagkakaintindihan, nagrerespetuhan at nag-aalala sa bawat isa. ito ay isang napakagandang relasyon na kung saan ang bawat magkapareha ay patuloy na lumalago at nahuhubog tungo sa kanilang pinakamabuting uri bilang mga tao.
Ito ang dapat matutuhan ng isang anak sa kanilang mga magulang, bilang magulang dapat imulat sa mga anak ang magiging bunga at sahi ng maagang pag-aasawa at pag-kakaroon ng anak. Ito ay nararapat lamang na imulat sa mga anak sa panahon ngayon, sa kadahilanang mas maraming porsyento ang kabataang nagkakaroon ng anak!.
Dapat ipaliwanag na ang pag-aasawa ay paglagpas15ay maraming nakapaloob na kagandahan at pagkakaroon ng anak ay nasa wastong gulang na ay kadalasan mas may tama ng pag-iisip. Nakapag-ipon na ng maraming karanasan sa buhay at lalabas na mas mabuti at madali nilang maabot lahat ng mga mangyayari sa buhay. Nakakapagdesisyon na sila nang maayos at nasa mas malinaw na ang gulang bawat problema o layunin. makakaya nila ang mga respnsibilidad na kailangan sa pagkakaroon ng ank.
Ang pag-aasawa at pagkakaroon ng anak ay para sa mga taong nasa hustong gulang, ito ang dapat ipaliwanag sa mga anak upang mas lalong maunawaan ang kahalagahan ng pagpasok sa ganong sitwasyon sa nasa wastong edad o gulang.
Ang pagiging magulang ay isang malaking responsibilidad o tungkulin. Isang tungkulin na basta na lamang nagtatagumpay ng ganun na lamang. Ito ay isang kalagayan na kung saan mahirap na responsibilidad mag-asawa ang kahahantungan pagkatapos.
Ibig sabihin, responsibilidad ng magulang ang anak na imulat at paalalahan na maaaring kinalabasan o magiging kahinatnan at resulta ng pagpasok sa sitwasyon na ganoon, at obligasyon din bilang anak ang makinig sa magulang. Dahil alam ng magulang ang maganda para sa anak.
No comments:
Post a Comment