Thursday, August 19, 2010


videokeman mp3
Batang Bata Ka Pa – Apo Hiking Society Music Code

Panu maiiwasan ng mga magulang ang maagang pagbubuntis ng mga anak nila.

           Ang isang pag-aaasawa ay habambuhay na pakikipagpareha ng isang babae at isang lalaki, dalawang magkaibang tao na nagkakaintindihan, nagrerespetuhan at nag-aalala sa bawat isa. ito ay isang napakagandang relasyon na kung saan ang bawat magkapareha ay patuloy na lumalago at nahuhubog tungo sa kanilang pinakamabuting uri bilang mga tao. 
           Ito ang dapat matutuhan ng isang anak sa kanilang mga magulang, bilang magulang dapat imulat sa mga anak ang magiging bunga at sahi ng maagang pag-aasawa at pag-kakaroon ng anak. Ito ay nararapat lamang na imulat sa mga anak sa panahon ngayon, sa kadahilanang mas maraming porsyento ang kabataang nagkakaroon ng anak!. 
            Dapat ipaliwanag na ang pag-aasawa ay paglagpas15ay maraming nakapaloob na kagandahan at pagkakaroon ng anak ay nasa wastong gulang na ay kadalasan mas may tama ng pag-iisip. Nakapag-ipon na ng maraming karanasan sa buhay at lalabas na mas mabuti at madali nilang maabot lahat ng mga mangyayari sa buhay. Nakakapagdesisyon na sila nang maayos at nasa mas malinaw na ang gulang bawat problema o layunin. makakaya nila ang mga respnsibilidad na kailangan sa pagkakaroon ng ank.
              Ang pag-aasawa at pagkakaroon ng anak ay para sa mga taong nasa hustong gulang, ito ang dapat ipaliwanag sa mga anak upang mas lalong maunawaan ang kahalagahan ng pagpasok sa ganong sitwasyon sa nasa wastong edad o gulang.
              Ang pagiging magulang ay isang malaking responsibilidad o tungkulin. Isang tungkulin na basta na lamang nagtatagumpay ng ganun na lamang. Ito ay isang kalagayan na kung saan mahirap na responsibilidad mag-asawa ang kahahantungan pagkatapos.
              Ibig sabihin, responsibilidad ng magulang ang anak na imulat at paalalahan na maaaring kinalabasan o magiging kahinatnan at resulta ng pagpasok sa sitwasyon na ganoon, at obligasyon din bilang anak ang makinig sa magulang. Dahil alam ng magulang ang maganda para sa anak.



Wednesday, August 18, 2010

" Sanggol sa katawan ng Bata?"

"kaya naba ng batang babae ang magbuntis ng maaga?"
      
       Sa aking palagay kaya ng Babae ang magbuntis ng maaga. Ngunit marami silang haharapin na problema. Isa na rito ang sakit sa katawan dahil sa murang edad at magagawa na nila ang mabibigat na trabaho. Isa pa dito ay ang kakulangan sa pera dahil nga dumidepande pa sila sa kanilang mga magulang. At ang pagaalaga ng bata, wala pa silang sapat na kaalaman at kakayahan para dito. Mahihirapan din silang baguhin ang kanilang Pag-uugali lalo na't kung nagaaral pa  sila. Hindi  nila kayang pagsabay-sabayin ang lahat ng kanilang responsibilidad..

                Oh ano? nanaisin paba ng kabataan ang magkaroon ng maagang pamilya sa kabila ng mga negatibong epekto nito. Ngayon nating sabihin na hindi kaya ng batang babae ang magbuntis ng maaga sa mga nagbabalak dyan, eh magisip muna kayo, tingnan nyo muna ang magiging epekto at kahihinatnan ng mga gagawin ninyo.


Monday, August 16, 2010

go i turo na yan!!!

Sa panahon ngayon, dapat na sigurong ituro na ang sex education sa paaralan at isama na ito sa kurikulom ng pagaaral. Dahil magiging gabay ito ng mga kabataan sa kanilang paglaki.At magsisilbi itong paraan upang ang mga kabataan ngayon ay maging maingat at responsable sa kanilang sarili at buhay.

At sa pagtuturo na din ng sex education maaari naring mabawasan ang mga kabataang maagang magsipagbuntis at asawa.Karamihan kasi ngayon ay mga mapupusok at hindi nila iniicip ang mga bagay bagay ng kanilang ginagawa kung ito bay tama o hindi,makabubuti o makasasama. Dahil na rin siguro sa kakulangan ng kaalaman at tamang pag gabay ng kanikanilang mga magulang.

Karamihan sa mga batang nagkakaganito ay yung mga malalayo sa kanilang mga magulang at may mga hindi pag kakaunawaan sa kanilang tahanan.

kaya mas mabuti ng isama na ang sex education sa pagtuturo sa mga paaralan sa darating na pasukan para maiwasan na ang maagang pagkakaroon ng anak,hindi rin naman natuturuan at nagagabayan ng mga magulang ang kanikanilang mga anak at mas mahaba naman ang oras at panahon ng mga bata sa loob ng paaralan kesa sa kanilang tahanan,kaya go ituro nayan......

Friday, August 13, 2010

Tamang oras sa pag-aasawa

sKailan ba masasabing ito na ang tamang panahon ng pagbuo ng pamilya at pagkakaroon ng anak?
Bakit kaya sa panahon natin ngayon napakarami na ng kabataang nabubuntis? Kabataang magulang na? Halos hindi pa nga tumutungtong sa gulang na 18 eh my anak na. Sa hirap ng buhay ngayon sa nakikita ko ay hirap na hirap ang mga kabataang magulang na buhayin ang kanilang mga anak pwera a lamang kung sila ay mayaman. Halos hindi pa nga sila tapos sa pag-aaral. Mga atat kasi kung magkaanak eh. May tama namang panahon para doon.
Para sa akin, masasabing ito na ang oras ng pagbuo ng pamilya kapag kaya na ng dalawang indibidwal na magpakain at bumuhay ng kanilang supling at ito lamang ay mangyayari kung ang mag-asawa ay nakatapos na ng pag-aaral para sila ay magkaroon ng permanenteng trabaho. Maging praktikal tayo ngayon dahil ang unang kraytirya sa pagpili ng asawa ay ang kaya kang buhayin o ang taong may pera.
Sa ngayon, pera ang nasa isip ng tao, hindi na mahalaga kung mahal mo ito basta mayroon siyang pera. Ngunit para sa akin dapat din na na ang aasawahin natin ay yung taong mahal din natin. Dahil hindi naman lahat ng tao ay silaw sa pera, dahil hindi ka rin naman sasaya habang-buhay kung puro pera ang nasa isip.
Maging aral na lamang sa tulad kong kabataan na huwag magpadala sa tukso, mag-aral na muna dahil may tama rin naming oras para sa pag-aasawa.